Ganito ang gusto kong design ng magiging future house ko.. :)

Ganito ang gusto kong design ng magiging future house ko.. :)

Meet my niece… Isn’t she so cute?

Meet my niece… Isn’t she so cute?

[Flash 10 is required to watch video]

Si Keya. Enjoy na enjoy sa pagtatampisaw sa tubig.

As usual, summer, eh, kaya nagswimming kami. Sa isang maliit lang naman na resort sa Montalban. Para lang mai-treat yung mga bata… at para may masabi na nakapag-outing kami. Haha!

All you have to do is desire it, and if you desire it enough and understand why — really know — it will come.
Alice Sebold, The Lovely Bones

Pa-Share Lang Naman

Anong Klaseng Babae Ka?

Nabasa ko lang ito sa Note ng isa kong kaibigan sa Fb. Gusto ko ishare kaya eto…

IBA’T IBANG KLASE NG BABAE:

1. Pa-conyo: sila yung super vain na kala mo everyday is “foundation day.” Magaling mag-ingles, hindi umiinom ng house water sa fastfood at kung magbihis e kala mo parating may party. Sila rin yung aakitin ka, pero hindi bibigay agad. Kailangan ng matinding humor kung talagang trip na trip mo sya iuwi.

2. Top-of-the-line sosyalera: Sila yung mga pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Lumaki sa aircon, straight English kung magsalita pero mahilig din silang magmarunong na magaling silang mag-Tagalog pero ang sama talaga pakinggan. Di nakakarelate sa mga kanto jokes, nagtatawanan na ang mga tao di pa din nila nagegets yung joke. Lumaki raw sila sa kalye playing street games. Pero alam nyo kung ano yun? Street hockey, soccer, baseball, etc. Pffft! Batang kalye nga. Mahirap abutin. Pero kung masusungkit, pwede rin!

3. Feeling or Illusionaries: mga mahilig mag-ilusyon na magaganda sila at may sinasabi sa buhay. Pinsan si ganito, kilala si ganyan, may lupain sa hibok-hibok para ma-impress lang ang kausap. Sila ata ang tinutukoy ng Parokya sa kanta nilang, “Silvertoes.” Madaling kausap at minsan, isang sabi lang, gora na yan… walang paliguy-ligoy pa. 10/11 ang drama, sa sampung sinabi labing-isa mali. Dagdag-bawas magkwento kaya ingat lang lalo na kung kiss and tell sila.

4. One-of-the-boys: Sila yung “ideal bestfriend.” Cowboy ba. Pwedeng biru-biruin, masarap kasama sa inuman, naiintindihan ang kalokohan at kaberdehan ng kalalakihan, madalas gumamit ng “tsong” at “pare” pag kausap mo. Pero sila rin yung hindi nagsasalita sa totoong nararamdaman nila. Ingat din ang mga boys sa mga ganitong girls- lalo na pag nahuhulog na pala sa inyo. Kawawa sila pag nasaktan. Hmmmm…

5. Girlfriend-material: Sila yung sa unang tingin pa lang ng boys, abot-langit na ang respeto. Sila yung mga simpleng babaeng matipid ngumiti, makikipag-kwentuhan pero hindi may mystique pa rin. Na-c-curious ang mga lalaki kung anong meron sa kanila that they keep on looking for more of that person. Minsan ang hirap kausap dahil pabago bago ng isip. Usually, sila ang naliligawan, sinusuyo hanggang mapa-oooohh… OO.

6. Man-hater: Sa una, mapagkakamalan mo silang tibo dahil sobra silang “boyish.” Defense mechanism nila yun dahil galit sila sa past experience nila with an EX. Takot na daw sila masaktan. Mahirap din silang getlakin dahil matatakot ka sa kasungitan nila. Ang hindi mo alam, kulit lang ang katapat. Bibigay din yan. Pero syempre, sa mga lalaki, dapat armed ka with sympathy, timing and humor. Kahit hindi ka masyadong pogi, basta meron ka nito- malaki na ang chance mo.

7. Pa-Girl: OA sa pagka girl, mayat-maya ang retouch inaabot ng 30mins sa CR kahit nasa mall kayo suklay ng suklay ng buhok, mayat maya nananalamin. Super freak-out sa kaarteyhan. Malakas mag react ng “yuck!! Or eewwww” kapag nakakarinig ng mga maseselang usapin. Di nila gets o maapreciate ang ibang mga bagay bagay. Di mo alam kung makitid lang talaga utak nila o talagang slow sila makagets. Basta ang hirap nila ispelengin!!! Ang masama eh kung 30 yrs old na pagirl pa din. awts!

8. Super Friendly: By the word itself, friendly siya sa lahat. Napakabait, Napakadaling i-aproach napakalawak ng pang-unawa on things. Masarap hingan ng payo. Pero minsan namimisinterpret ng iba. Aakalain ng guy na may gusto sa kanya si super friendly. Lalo na sa pagmimisinterpret sa kanila ng girls dahil pinagchichismisan sIya ng masama, siguro kinaiinggitan kasi. Ang hirap din minsan ng masyadong mabait.

9. Doble-Kara: Eto yung matino or mataray pag normal, pero pag nakainom eh bigla na lang sasayaw sa ibabaw ng mesa, or iiyak ng walang malinaw na dahilan, or magiging robot na hindi na alam ang nangyayari, gumagalaw lang pero di nagrerespond sa kapwa, meron ding biglang nang aaway pa. Nakakatakot sila painumin kasi nakakahiya sila kasama pag nalasing.

10. Ms. Know-it-All: Gusto nilang i-impress ang lahat ng tao- especially ang mga kalalakihan, thinking na ma-g-getsung nila ito. They think na mas matalino sila sa guy at kaya nila itong paikutin. Pero wag ka. A good guy can recognize a smart girl. Boys, ingat sa mga tulad nila dahil yung pagka-Know-it-all ay pwedeng mauwi sa paninira sa ibang tao at mga buhol-buhol na kasinungalingan.

11. Problematic: Sila yung mga girls na kala mo kailangan lagi ng karamay o mag-aalaga sa kanila. Pa-emo minsan. Hanap lagi yung instant Knight-in-Shining-Armour. Dapat mag-ingat ang mga girls na ganito dahil pag problemado sila, mas madaling nakaka-score ang mga kalalakihan lalo na yung magagaling mambola.

12. Babaeng-Bakla: Isa sa pinakagusto kong personality ng babae. Tipong laughtrip lagi pag kasama mo. Hindi maarte, bulgar kung bulgar magsalita pero nasa timing. Punong puno ng humor. At minsan kung pikon ka maiinis ka sa pang-ookray niya pero ok lang yun lambing lang niya iyon.

13. Silent but deadly: Maria Clara ang datingan. Di sila masyadong palakibo, or masalita. Kung magsasalita man eh parang sila lang nakakarinig sa sinasabi nila. Pero wag matahin. Nasa loob ang kulo nila. Talagang mabibigla ka sa matutuklasan mong ibang side ng girl na ito.

14. Camwhore: Wala naman kinalaman to about sa pagkarir, share ko lang. Sila yung kahit saan mapunta eh magpipicture ng sarili niya maya’t maya. Kahit di na sa kanya yung cellphone puro mukha na niya ang laman. Iba-ibang anggulo pa pero magulo naman karamihan ng kuha. Pipiliting iphotoshop pero lalo lang sumasama. Tapos yung karamihang kuha naman eh nakaside lang yung mukha. Nakakapeke kasi ang ganung posing, nakakapagpaganda. Tapos di pa makukuntento may mga kuha ding nasa taas yung cam and nakaside pa din. Kasi nakakapayat yun, diba? Uuuyyy gagawin na nila yan lagi haha.. Daming picture sa fs, fb or multiply na puro mukha lang naman na naka-side.

15. Flexible: Eto yung girl na akala mo sa unang tingin, di mo mareach mukhang snobbish, and maselan, pero pag nakuha mo ang loob at nakilala mo ng husto eh di pala maarte co-boy din sya na hindi one of d boys. Kahit saan nakakarating mula Rockwell hanggang Divisoria. Walang arte, kakain kahit saan mapa Fridays or fishbolls sa kalsada. Ang sarap magkaroon ng girlfriend na tulad nila.

16. Flirt: In tagalog, Malandi, Syota ng bayan, game! Kadalasang sila yung mga liberated, bombshell na talagang pansinin manamit, magsalita, at kumilos. Madaling pumatol lalo na kung gwapo or mayaman.

Someday your prince charming will come. Mine just took a wrong turn, got lost, and is too stubborn to ask for directions.

Frustrating… Eh?

“I’m looking for love this time

Sounding hopeful but it’s making me cry,” sabi sa kantang Mr. Curiosity ng favorite artist kong si Jason Mraz.

I am 24 years old… and still got no boyfriend since birth. Yes mga ate! Kasali ako sa asosasyon ng mga NBSB! Nakaka-frustrate.

Sabi nila kaya daw single at hindi magkaroon ng bf/gf ang isang tao ay dahil naniniwala sya sa mga salitang ito: soulmate, love at first sight, destiny, fate… at iba pang mga katulad. Ha? Ano daw?

Siguro nga ganun yun. Dahil ako mismo naniniwala sa soulmate, destiny, fate… pero hindi sa love at first sight. Pero… patanong lang, ha… ang mga may karelasyon… hindi ba sila naniniwala sa mga yan? Hindi? WEEH?!!!

Pero siguro hindi rin totoo yung sabi-sabing yon. Dahil sabi naman sa isang kasabihan… o text o fb o twitter o movie quote… may nakalaang tao para sa ating lahat (that talks about destiny/fate) at ang soulmate binibigay yan sa lahat ng tao. Siguro hindi pa ito ang perfect time for me para pumasok sa isang relasyon…

PERO KELAN PA?!! Pag trenta na ‘ko?! Whoah naman!!! @%@^$&*…

Hehe…

But, honestly, hindi naman talaga ako sigurado kung ready na ba akong magbf. Ewan. Feeling ko lang. Kasi… unang-una until now hindi pa ako nakakagraduate. Ilang taon na ba ako sa college? 6 years? HUWAT?! O.M. 6 years na ‘ko sa college. Nakailang paghinto ba ako? Dalawa. Yung una 1 year and a half. Yung pangalawa… hmmm… isang sem… so kalahating taon. So, 2 years akong nahinto sa pag-aaral.

Pangalawang-pangalawa… hmmm… hindi ko na alam eh. Basta hindi pa ako ready (pero gusto ko na). XD

“Love is a mystery…”

True. Kasi yung iba bata pa lang (let’s say katorse pa lang… parang si Nene lang) nahahanap na ang love. Pero yung iba tumanda na lang eh hindi pa nakakaramdam ng pagmamahal galing sa ibang tao (i’m talking about love from the opposite sex). Sana hindi ako matulad nung sa huli. Please God!

“Better late than pregnant.”

Hahaha. That sounds funny pero may point. Maraming nabubuntis (katorse pa lang.. bitter kay Nene?xD) pero wala naman sa plano nila. Kaya ayun… sira ang buhay nila. Kadalasan mga estudyante pa naman.

Kapag feeling ko masyado na akong late… yang kasabihan na yan ang iniisip ko. Nakawala ng frustrations eh. Hehe.

“Your prince charming just got lost.”

Sus… may ganun-ganun pang nalalaman. Pero that’s encouraging, for me ha, in fairness.

I am turning 25 next year… July 18, 2012. Haay… mid-twenties here I come. Mr. Right please come come come!!!

xD

You can be grown, married & a mother yourself but you never stop needing your mom. There are things that only her smile or the sound of her voice can make them better.

Happy Birthday Mama!

Bukas (October 2, 2011)…

59th birthday ng mama ko. Isang taon na lang senior citizen na sya.

Masaya ako kasi hanggang ngayon kasama pa namin sya. Sana sya rin masaya.

Inuubo sya ngayon at sabi nya kanina masakit ang ulo nya. Sana bukas okay na sya. Sana bukas mawala na lahat ng masamang nararamdaman nya sa katawan nya.

Matanda na ang mama ko (pati ang papa ko)… pero hanggang ngayon o bukas na 59 years old na sya… sa kanya pa rin ako umaasa. Pati mga kapatid ko na may mga asawa na umaasa pa rin sa tulong nya. Sana next year… next year kapag 60 na sya… sana hindi na ako maging pabigat sa kanya. Alam kong hindi ko magagawa ang hindi umasa sa kanya bukas agad-agad kaya yan na lang ang wish ko for her next birthday.

Matanda na si mama pero sana maging malakas pa rin sya at makasama pa namin sya (sila ni papa) ng matagal. (Please God… sana patuloy mo pong ingatan si mama… at si papa… patuloy mo po syang palakasin. Salamat po.)

Bukas na ang birthday ni mama at wala akong perang pambili ng regalo ko sa kanya. Pero Sana next year meron na. Sisikapin ko na sa loob ng isang taon ay magawa kong kapakipakinabang ang pagkakataon at buhay na ibibigay sa akin ng Diyos upang mapasaya ko si mama at si papa. Pero sana kahit wala kaming maihanda bukas… sana maging masaya pa rin sya.

Sa loob ng isang taon, bago pa muli sumapit ang birthday ni mama, hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari pero hinihiling ko na sana MAGING OK ANG LAHAT.

Mama, mahal po kita. Pasensya na po kung madalas hindi ko iyon maipakita. Sorry po lahat ng dapat kong ihingi ng tawad sa iyo… sa inyo ni papa.

Happy Birthday po! =)

Sometimes u have to face ur past not to continue what u left off, but to simply make u realize how happy & satisfied u are in the present.